Kung pwede, ako nalang. Aakuhin ko ang responsibilidad, huwag ka lang mapagod. Aangkinin ko ang sakit wag ka lang mahirapan. kung pwede lang sana edi sana ako nalang. Para hindi ako nasasaktan na nakikita kang hindi masaya, na nakikita kang pagod. Ayoko ng ganon, ayoko ng nahihirapan ka. Sana ako nalang ang nandyan at hindi ikaw.